Isinusulong ni Presidential Adviser Joey Concepcion na ituloy ang “bakuna pass” para sa mga senior citizen.
Ayon kay Concepcion ang bakuna card ay magsisilbing pass ng mga nakatatanda para makalabas ng bahay.
Kalaunan ang card aniyang ito ay maaaring gawing digital, ngunit sa ngayon ay maaari munang gamitin ang inisyung card ng lokal na pamahalaan.
Para naman sa Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines-NCR, maaari ang pagkain sa labas ng mga nabakunahan na ngunit mas makabubuti kung ito ay mananatiling outdoor dining pa rin.
Hirit naman ng National Commission on Senior Citizen, bigyan ng dalawang oras kada araw ang mga senior na makapunta sa supermarket.