Bakuna.
Ito ang pinakaimportanteng bagay na nakikita ni Dr. Michael Tee, fellow ng oCTA Research group, para hindi na tumaas ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Dahil dito, hinimok ni Tee ang publiko na magpabakuna na, bagamat iginagalang naman niya ang rational at emotional reasons nang pagtanggi ng maraming Pilipino na magpabakuna kontra COVID-19.
Inamin ni Tee na pinakamahirap labanan ang emotional reason kaya’t dapat ding maging sensitive dito ang mga otoridad.
Kailangan talaga nating magpabakuna lahat kasi ‘yung mga nagsasabi, ‘hindi, bumababa naman a ‘yung kaso, e. Hindi naman ako mahahawa, e.’ Naku, hindi po ‘yan totoo hanggat hindi po tayo nababakunahan, ay pa-seasaw-seasaw nalang ang ating mangyayaring pagdami ng kaso, magla-lockdown, bababa, tataas. Para matapos ito, magpabakuna na tayong lahat,” ani Tee. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas