May inihahanda nang bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang pharamaceutical company sa ibang bansa.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, bagama’t posible aniyang ganap pa itong maipalabas sa Enero ng susunod na taon.
Ayon kay Pangulong Duterte, batay sa nakarating na ulat sa kanya, may mga nakikita nang positibong resulta sa mga isinasagawang tests sa nabanggit na bakuna.
Nilikha aniya ang ng pharmaceutical company na Moderna.
Kasabay nito, pinaalalahanan naman ng Pangulo ang mga Filipino na patuloy pa ring sundin ang mga inilalatag na health measures para makaiwas sa COVID-19 hangga’t hindi pa lubusang naihahanda ang bakuna laban dito.
So, kung ganon ‘wag ka sanang mamatay hanggang January. Hintayin mo yung vaccine, kapag tinawag ka ng kamatayan sabihin mo ‘p*** umalis ka dyan (dahil) may hinihintay ako na vaccine hindi ko pa panahon mamatay’. Iyan ang good news talaga dahil this is what I was really hoping for, the vaccine,” ani Duterte.
Tiniyak din ni Pangulong Duterte na kanyang hahanapan pondo ang pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 oras na maging handa na ito.
May pera ako pambili ng vaccine just in case somebody else would beat the Moderna vaccine. I think China has already one, we’re just waiting for the announcement. Many countries are on the verge—malapit na sila sa vaccine, naghahabulan, kailangan may pera ako nyan kasi bili agad tayo,” ani Duterte.