Iginiit ni Quezon City Mayor Joey Belmonte ang pagbabakuna sa mga bata.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez na target ng gobyerno na itaas sa 90% ng populasyonang mabakunahan para makamit na ang herd immunity sa gitna pa rin ng banta ng Delta variant.
Kasabay nito, ipinabatid ni Belmonte na batay sa report ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit hanggang nitong Setyembre 8, nasa halos 13,000 nasa 0 hanggang 17 years old sa lungsod ang nag positibo sa COVID-19.
Binigyang diin ni Belmonte na krusyal ang pagsama sa mga bata sa vaccination program dahil 30% ng populasyon ng QC ay pawang menor de edad.
Una nang nag positibo sa COVID-19 ang halos isandaang bata sa Gentle Hands Orphanage sa Quezon City.