Parating na ng bansa ang bakuna kontra African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, sa ngayon ay patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga bansang gumagawa nito.
Dagdag pa ni Dar, halimbawa sa Vietnam ay nakakita na ng magandang resulta ang mga eksperto sa ginagawa nitong vaccine trial.
Giit pa ng opisyal, inaantabayanan nila ang ASF vaccine na gawa ng United Kingdom na sa ngayo’y nasa advance development stage na nito.
Kung kaya’t, tingin ng DA, isa sa mga dahilan ang banta ng ASF kung bakit tumaas ang presyo ng mga karneng baboy sa iba’t-ibang pamilihan sa bansa.