Inihayag ng Department of Health (DOH) na nakikipag-ugnayan na sila sa dalawang manufacturer ng bagong bakunang epektibo laban sa mga bagong variant ng COVID-19.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga new generation vaccine ay maaaring simulang gamitin sa bansa sa unang quarter ng susunod na taon.
Samantala, iginiit ng opisyal na natapos na ang pag-aaral ng dalawang manufacturer at kumukuha na ito ng permit upang masimulang magamit sa Estados Unidos.