Unti-unti na umanong nagkakaruon ng pagasa ang pagdevelop ng bakuna at gamot laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Inanunsyo ng mga siyentipiko sa Amerika ang pagkakalikha nila sa kauna-unahang 3D atomic scale map ng novel coronavirus na ugat ng impeksyon sa human cells.
Ito umano ay isang kritikal na hakbang tungo sa pag develop ng bakuna at gamot laban sa COVID-19.
Pinag aralan ng mga siyentipiko mula sa University of Texas sa Austin at National Institutes of Health (NIH) ang genetic code ng virus na isinapubliko ng mga researchers ng China at ginamit ito para mag develop ng stabilized sample ng bahagi ng coronavirus na tinatawag na spike protein.
Ang engineered spike protein na ito ang sinusuri na di umano at pinag aaralan ng NIH kung maaaring maging potential vacine laban sa COVID-19.