Wala pang rekomendasyon ang DOH na bakunahan na kontra COVID-19 ang mga nasa edad 12 hanggang 17 anyos.
Ito ang binigyang linaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung saan patuloy pa aniyang pinag-aaralan ng mga eksperto ang posibilidad na mabakunahan ang mga menor de edad laban sa COVID-19.
Ani Vergeire, unang-unang kailangang ikunsidera sa pagbabakuna sa mga bata ay ang kaligtasan at posibleng epekto nito sa kanila.
Binigyang diin din ni Vergeire na bagama’t nariyan ang posibilidad na makakuha sila ng virus, mas mataas pa rin ang tyansa na tamaan nito ang mga matatanda.
Maliban dito, hindi pa rin aniya stable ang suplay ng COVID-19 vaccine sa bansa at binibigyang prayoridad pa rin sa ngayon ang pagbabakuna sa mga matatanda.