Tinamaan ng COVID-19 ang tinatayang 15 health frontliners sa Pasay City General Hospital (PCGH).
Ito’y kahit na nabigyan ang mga ito ng bakuna mula sa Sinovac.
Ayon kay PCGH Office-In-Charge Dr. John Victor de Gracia, karamihan sa mga nasabing empleyado ng ospital ay asymptomatic habang ang ilan ay nakakaranas ng mild symptoms.
Isa lang aniya ang maituturing na “moderate risk” habang stable condition naman ang mga ito.
Naniniwala si De Gracia kaya hindi ganoon kalala ang kaso ng mga nasabing health workers ay dahil nabigyan na ang mga ito ng bakuna bago sila dinapuan ng virus.