Pumapalo na sa mahigit isang milyong indibidwal ang nabakunahan kontra COVID-19 hanggang nitong May 25 o tatlo buwan matapos simulan ang vaccination roll out.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje nasa mahigit apat na milyong doses ang naiturok sa mahigit isanlibong vaccination sites sa buong bansa.
Pumapalo naman sa 170K katao ang average na arawang natuturukan ng COVID-19 vaccine sa nakalipas na pitong araw.
Nasa 1, 029, 061 katao ang nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna kung saan halos 600K ang health workers, 200K ang senior citizens, mahigit 200K ang persons with comorbidities at 535 essential workers.
Ipinabatid ni Cabotaje na nasa 3,466, 314 ang naturukan na ng unang dose ng bakuna.
Kaugnay nito,sinabi ni Cabotaje na kailangan pa ring makumbinsi pa ang mas maraming tao partikular sa priority groups para makapagpa bakuna.
Una nang inihayag ng OCTA research group ang 200 300K doses na dapat iturok sa Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas at Rizal simula sa Hunyo.