Pansamantalang suspendido ang pagbabakuna ng Sinovac COVID-19 vaccine sa Taguig City batay sa utos ng Department of Health.
Inihayag ng Taguig City Vaccination Task Force na “cancelled until futher notice” ang first at second dose ng sinovac vaccinations hangga’t wala pang inilalabas na certificate of analysis o COA.
Alinsunod sa ethical standards ng current good manufacturing practice regulation ng Food and Drug Administration, anumang COVID-19 vaccine ay mayroong dapat COA bilang bahagi ng quality assurance and safety bago gamitin.
Tiniyak naman ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na agad nilang ibabalik ang vaccination sa oras na matanggap nila ang mga dokumento mula sa DOH.
As of June 26, umabot na sa 238,853 individuals o 35 percent ng target population na 680,000 ang nakatanggap ng first dose sa lungsod.