Tuloy pa rin ang bakunahan laban sa COVID-19 at Microchipping Activity para sa mga alagang hayop sa lungsod ng Valenzuela City.
Ito’y sa kabila ng paggunita sa ika-398 taon na pagkakatatag ng lungsod kung saan dapat na walang pasok ang mga opisina.
Kaugnay nito, sisimulang lagyan ng RFID Microchip ang mga alagang hayop tulad ng aso para sa Valenzuela City Pets Application Program (ValPets).
Samantala, pinapayuhan ng nasabing lungsod na pumunta lamang ang mga residente nito sa vaccination centers upang makapagpabakuna. —sa panulat ni Airiam Sancho