Aarangkada na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga kabataan sa Oktubre 18, araw ng Biyernes.
Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na sisimulan ang pediatric vaccination sa mga ospital ng National Children’s Hospital at Philippine Heart Center, Fe Del Mundo Medical Center, pawang nasa Quezon City; Pasig City Children’s Hospital sa Pasig City; Philippine General Hospital sa Maynila; Makati Medical Center sa Makati City St. Luke’s medical center sa Taguig City; at Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City.
Dagdag ng kalihim, ang nasabing rollout sa mga ospital ay by age group mula 15 hanggang 17 taong gulang at 12 hanggang 14 na taong gulang.
Batay sa national COVID-19 dashboard, nasa mahigit 40 milyong doses na ang total vaccines ang na-administer.
Samantala, nasa mahigit 17 doses na ang naiturok sa Metro Manila habang nasa kabuuang bilang na 22 milyon na ang nakatanggap ng dalawang dose ng bakuna sa buong bansa.