Nais palawigin ng (Philippine Medical Association) PMA ang bakunahan laban sa COVID-19 sa mga klinika sa Visayas at Mindanao region.
Sinabi ni PMA President Benito Atienza, ang mga vaccination drive ngPMA ay inilunsad lamang sa mga rehiyon ng Metro Manila, Central Luzon at Southern Tagalog.
Balak aniya makipag-ugnayan ng PMA sa mga regional office ng health department na mag-uugnay sa mga Local Government Units (LGUs) ng ibang rehiyon.
Samantala, ipinabatid ni Health Secretary Francisco Duque III na pumayag na ang Astrazeneca na i-extend ng tatlong buwan ang shelf life ng mga bakuna nito na malapit na ma-expire.
Hinihintay na lamang aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ito.