Target ng pamahalaan na simulan ang pagbabakuna sa edad lima hanggang labing isang taong gulang sa Enero sa susunod na taon.
Ayon kay vaccine Czar Carlito Galvez Jr., sa oras na lumabas na ang Emergency Use Authorization o EUA posibleng simulan na sa unang kwarter at tatapusin rin ito Enero 2022.
Samantala, sinabi ni Galvez na ito’y bilang paghahanda na rin sa pagbubukas ng face-to-face classes sa mga paaralan sa bansa.
Layunin nitong maprotektahan ang mga bata sa banta ng bagong COVID-19 variant na Omicron.