Binuksan na rin ang Covid-19 vaccination site sa Central Terminal Station ng LRT-line 1 sa Maynila, simula kahapon.
Ayon sa Department of Transportation (DOTR), maaaring magpabakuna ang publiko sa naturang lugar simula alas-otso ng umaga hanggang ala-singko ng hapon, mula Lunes hanggang Biyernes.
Kabilang sa mga maaaring magpabakuna ay mga adult passenger na nangangailangan ng first dose, second dose o booster shot laban sa COVID-19 sa mga brand na Sinovac, Moderna at Astrazeneca.
Una nang ini-anunsiyo ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na simula ngayong araw ay bubuksan din ang LRT-line 2 vaccination sites sa Recto Station sa Maynila at Antipolo Station sa Rizal. – sa panulat ni Mara Valle