Sinimulan na ng mababang kapulungan ng Kongreso ang “Congvax drive-thru vaccination” para sa mga empleyado at dependents na may edad labing walo pataas na isinagawa sa north multi-level parking area sa compound ng Batasan Complex, sa Quezon City.
Ayon kay House Medical and Dental Service OIC-Director Dr. Serafin Vincent Valencia, layunin nito na mas mapalakas pa ang programa ng kamara para sa bakunahan kontra Covid-19.
Umabot sa 251 slots para sa first dose ng Covid-19 vaccine ang binuksan na mayroong 40 vaccinators para sa mga empleyado at kanilang dependents.
Samantala, nilinaw naman ni Valencia na hindi sila nagbabakuna ng mas bata sa labing walong taong gulang o yung tinatawag na pediatric vaccination.—sa panulat ni Angelica Doctolero