Bumagal ang pagtuturok ng bakuna sa mga lokal na pamahalaan sa bansa nitong nakaraang linggo.
Ito ang inihayag ni Department of Health undersecretary Myrna Cabotaje kaugnay sa bilang ng mga nababakunahan.
Aniya, nasa 300K indibidwal na lamang ang naturukan mula sa dati na umaabot ng 1.5M.
Bagama’t bumaba ang vaccine hesistancy, mahina pa rin ang o konti ang nagpapabakuna lalo na ang booster shot.
Paiigtingin naman ni Cabotaje ang komunikasyon at adbokasiya para mapabuti ang bilang ng mga nais magpa-booster shot.—sa panulat ni Airiam Sancho