Inanunsiyo Ng Department of Health (DOH) na maaari nang bakunahan kontra COVID-19 ang mga bata na may edad 5 hanggang 11 sa kanilang mga paaralan.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, gagawin ang pagbabakuna kapag umattend ng klase ang mga estudyante katulad ng pagbabakuna sa kanilang mga infirmary ng mga iba’t-ibang bakuna tulad ng sa measles, polio at iba pa.
Sinabi naman ni Presidential Adviser on COVID-19 Response Vince Dizon na mayroong 15 doses ng bakuna kontra COVID-19 para sa mga nasabing age group.
Dagdag pa ni Dizon, mayroon pang 10 million doses na bakuna na naka-stock ay madali itong maide-deploy sa mga paaralan para sa mga bata.