Nilinaw ng Department of Health (DOH) na tuloy pa rin ang COVID-19 vaccination sa mga paaralan sa bansa.
Kasunod ito ng inilabas na Order No. 037 ng DepEd na nagsasabing hindi na gagamiting Quarantine, Isolation Facilities at Vaccination Centers ang mga paaralan sa Pilipinas.
Ayon kay Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, maaari pa ring magbakuna kontra COVID-19 sa mga paaralan, pero hindi gagawin sa mga classrooms na ginagamit sa In-person classes.
Nakikipag-ugnayan naman ang DOH sa DepEd para sa Mobile COVID-19 Vaccinations at Counselling Sessions para sa mga hindi pa bakunadong guro at mag-aaral.