Sinuspinde na ng Pasig at Pasay City ang kani-kanilang COVID-19 Vaccination Drive dahil sa masamang panahon.
Ito, ayon sa Pasig City Public Information Office, ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga babakunahan maging ng mga miyembro ng vaccination team.
Inabisuhan naman ng Pasay City Public Information Office ang mga residenteng babakunahan na hintayin muna ang anunsyo ng bagong schedule.
Ang walang tigil na pag-ulan sa Metro Manila ay dulot ng Habagat na pinaigting ng Bagyong Fabian na kalalabas lamang ng Philippine Area of Responsibility. —ulat mula kay Drew Nacino