Natanggap na ng Pilipinas ang 739,200 doses ng COVID-19 vaccine na gawang Sinopharm mula China.
Pinangunahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagtanggap sa naturang bakuna na bahagi ng isang milyong doses na bakunang donasyon ng china sa Pilipinas.
Habang si Pangulong Rodrigo Duterte naman ay sinaksihan ang naturang pagdating ng bakuna sa pamamagitan ng online viewing.
Kasunod nito, nagpasalamat si Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping dahil sa karagdagang donasyon ng bakuna sa bansa.
Samantala, muli namang nanawagan ang Pangulo sa publiko na magpaturok na ng bakuna kontra COVID-19 at huwag sayangin ang pagkakataong ito.