Inamin ng DOST ang posibilidad na makapasok sa bansa ang COVID-19 vaccine ng partnership ng Galameya research Institute ng Russia at Astrazeneca ng United Kingdom.
Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevara kung mas malakas ang nasabing bakuna at katanggap-tanggap naman ang clinical trials nito maaari na itong i-review ng FDA at i-kunsider na magamit na sa Pilipinas.
Sinabi ni Guevara na posibleng magkaroon ng kumbinasyon ng salawang bakuna dahil pareho ang teknolohiyang ginamit ng Russia at UK institutions sa vaccine development.
Inatras na ng Astrazeneca ang application nito para sa clinical trial ng COVID-19 vaccine sa bansa samantalang nasa proseso pa rin ng negosasyon at pagpirma ng confidentiality disclosure agreement.
Noong nakalipas na buwan sinabi ng UK pharmaceutical company na 91% effective ang kanilang bakuna at ang developed vaccine naman ng Russian institution ay 95% umanong epektibo matapos ang phase 3 trials hinggil dito.