Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag masyadong umasa sa potential vaccine na gawa ng Pfizer at German partner nito na sinasabing mahigit 90% epektibo konta coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire dapat ikunsider na nasa early stage o unang bahagi pa lamang ng clinical trial ang nasabing bakuna.
Binigyang diin ni Vergeire na hindi dapat matakot sa COVID-19 at kailangan lamang ay maging vigilant, laging handa at alerto at sumunod sa minimum health standards na kinabibilangan ng pagsusuot ng face mask at face shield, paghuhugas palagi ng kamay, physical distancing at pagbabawal sa mass gathering.
Sinabi ni Vergeire na positibong development ang naging pahayag hinggil sa bakuna ng Pfizer subalit dapat pairalin ang realidad na ginagawa pa lamang ito.
Una nang inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na plano ng gobyerno na mangutan ng $300-M para makabili ng bakuna kontra COVID-19.