Ipinahayag ng Russian Direct Investment Fund o RDIF na epektibo laban sa COVID-19 variant na Omicron ang bakunang Sputnik V.
Sinabi ng RDIF na sinisimulan na nilang gumawa ng bagong bersyon ng Sputnik vaccine kontra Omicron variant bilang adapted booster.
Matatandaang inanunsiyo rin ng US pharmaceutical company na Moderna na bubuo sila ng booster shot laban sa highly mutated strain ng coronavirus.
Giit ng RDIF, nagbibigay ang Sputnik V ng mas matagal na proteksyon.—mula sa panulat ni Joana Luna