Tiniyak ng embahada ng Russia sa Pilipinas na ligtas ang Sputnik-V vaccine ng Gamaleya kontra COVID-19.
Ito’y sa pagdinig ng House Committee on People’s Participation para sa paghahain ng sa paghahain ng aplikasyon para sa Emergency Use Authorization(EUA) ng naturang bakuna.
Ayon kay Vladlen Epifanov, Minister-Counselor, Deputy Chief of Mission of the Russian Federation Embassy kinilala ng isang respetadong British lancet medical journal ang ipinakitang mataas na safety at efficacy rate sa Phase 3 ng clinical trial ng Sputnik V.
Aniya kung pag-uusapan ang efficacy ng naturang bakuna, naitala ang 91.6 % sa mga volunteers na 60 taong gulang pataas at 68% naman ng mga nabakunahan ang nagpakita ng magandang immune response.
Binigyang diin din ni Epifanov na walang anumang masamang epekto o reaksyon ang idinudulot ng Sputnik V sa halip ay nagbibigay pa ng kaligtasan sa bagong strains ng COVID-19.