Kumpiyansa si Senate President Pro-tempore Ralph Recto na hindi gagawin ni Incoming President Rodrigo Duterte ang sinabi nito na bubuwagin niya ang Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue at Land Transportation Office dahil sa pagiging corrupt umano ng mga ahensyang ito.
Ayon kay Recto, tiyak na hindi literal na gagawin ito ni Duterte.
Nagtataka naman si Senador Tito Sotto III kung paano gagawin ni Duterte ang pag-abolish sa BIR, BOC at LTO gayong naaayon sa batas ang pagkakalikha sa mga nabanggit na tanggapan.
Sinabi naman ni Senador Serge Osmeña na may kapangyarihan ang pangulo na ire-organisa ang Executive Branch.
Pero, iginiit ni Osmeña na kailangan ng batas sakaling may bagong departamento o tanggapan siyang lilikhain bilang kapalit dahil may kinakailangang budget allocation para rito.
By: Meann Tanbio