Ligtas na nakadaong sa Manila Yacht Club ang tatlong replicas ng Balangay boat matapos ang halos tatlong buwang paglalayag patungo ng chIna at Thailand.
Ang Balangay o tinatawag ring Butuan boat ay ang pinakalumang uri ng bangka bago pa dumating sa Pilipinas ang mga Espanyol.
Sakay ang tatlumpu’t apat (34) na tripulante, naglayag mula Ilocos noong Abril 28 ang tatlong Balangay replicas patungo ng China bago tumuloy sa Thailand.
Ang expedition ay bilang pagpupugay sa pagkakaibigan ng Pilipinas at China at sa iba pang kapitbahay na bansa sa Southeast Asia.
—-