Kumpiyansa ang Pilipinas na mababawi nito ang kontrobersyal na mga kampana ng Balangiga, Samar mula sa Amerika.
Ayon kay DFA o Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, prayoridad ng Pangulo ang pagbawi sa mga natatanging yaman ng Pilipinas kaya’t binanggit iyon sa kanyang ikalawang SONA.
Naniniwala si Cayetano na gagawa ng paraan ang Amerika upang maibalik sa Pilipinas ang mga nasabing kampana bilang pagpapakita ng sinseridad sa pakikipag-alyansa nito.
Una nang nangako ang embahada ng Amerika sa Pilipinas na maghahanap ito ng mga paraan sa nasabing usapin makaraang ihayag ito sa publiko ni Pangulong Duterte.
By Jaymark Dagala
Balangiga bells maibabalik sa Pilipinas—DFA was last modified: July 27th, 2017 by DWIZ 882