Pinagtibay na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang resolusyong nag-gigiit ng panawagang ibalik na ng Estados Unidos ang Balangiga Bells sa Pilipinas.
Ginawa ang pag-apruba sa nasabing resolusyon ni Eastern Samar Representative Ben Evardone kasabay ng paggunita sa ika-116 na taon ng Balangiga massacre.
Ayon kay Evardone, dapat na maibalik na ng Estados Unidos ang Balangiga Bells para magkaroon na ng closure sa madugong nakaraan sa pagitan ng dalawang bansa.
Kasabay nito muling nanawagan ang Malacañang sa Estados Unidos para maibalik ang Balangiga Bells sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang Balangiga Bells ay malaking bahagi ng pananampalaya ng mga Pilipino lalo na ang mga taga-Samar at maituturing din bilang isa sa national heritage ng bansa.
—-