Asahan na ang balasahan sa hanay ng Sandatahang Lakas sa mga darating na araw dahil sa pagreretiro ng ilang mga heneral.
Ayon kay AFP o Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, nagsimula ang paggalaw sa pagreretiro ni Lt. General Raul del Rosario ng Western Command noong Lunes, na pinalitan ni Major General Galileo Gerard Kintanar ng Philippine Air Force.
Magreretiro na rin sa serbisyo ngayong Biyernes si Southern Luzon Command Commander, Lt. General Ferdinand Quidilla.
Nakatakda namang magretiro sa serbisyo sa Setyembre 4 ang commander ng Northern Luzon Command na si Lt. General Romeo Tanalgo na miyembro ng PMA Class 1983.
Paliwanag ni Arevalo, ang nasabing movement sa higher leadership ng AFP ay magbubukas din ng mga posisyon na babakantehin ng mga mapo-promote na opisyal.
New SOLCOM Chief
May bago nang pinuno ang Southern Luzon Command.
Ito ay sa katauhan ni Major General Benjamin Madrigal, Commander ng 4th Infantry Division na nakabase sa Cagayan de Oro.
Papalitan ni Madrigal si Lt. General Ferdinand Quidilla na nakatakdang magretiro ngayong araw.
Isasagawa ang turnover ceremony sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City.
By Meann Tanbio