Pinangunahan ni BI Acting Port Operations Chief Atty. Carlos Capulong, ang ikinasang balasahan sa mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Aabot sa tatlong daan apatnapu’t isang personnel ang kasama sa reshuffling na may layuning maiwasan ang korapsyon sa bansa partikular sa kanilang hanay.
Bukod sa mga tauhan ng BI personnel na nagtatrabaho sa immigration counters ng NAIA, babalasahin din ang pitumput pitong immigration supervisors.
Samantala, mayroon namang siyam naput siyam na mga bagong immigration inspector ang dineploy para isailalim sa on-the-job training na ipakakalat sa major ports ng bansa sakaling makumpleto ang kanilang pagsasanay. — Sa panulat ni Angelica Doctolero