Pinangunahan ni Bureau of Immigration (BI) Acting Port Operations Chief Atty. Carlos Capulong, ang ikinasang balasahan sa mga tauhan ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Aabot sa 341 personnel ang kasama sa reshuffling na may layuning maiwasan ang korapsiyon sa bansa partikular sa kanilang hanay.
Bukod sa mga tauhan ng BI personnel na nagtatrabaho sa immigration counters ng NAIA, babalasahin din ang 77 immigration supervisors.
Samantala, mayroon namang 99 na mga bagong immigration inspector ang dineploy para isailalim sa on-the-job training na ipakakalat sa major ports ng bansa sakaling makumpleto ang kanilang pagsasanay. —sa panulat ni Angelica Doctolero