Nakatakdang magpatupad ng balasahan si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald dela Rosa sa mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group dahil pa rin sa pagkamatay ng Koreanong si Jee Ick Joo noong October 18, 2016.
Ngunit, paliwanag ni Dela Rosa, mananatili sa puwesto si Senior Supt. Glen Dumlao bilang pinuno ng PNP-AKG dahil hindi ito kabilang sa mare-relieve na mga pulis lalo pa’t ito ang nagresolba sa kaso ng dayuhan.
Giit ni Dela Rosa, wala siyang nakikitang dahilan para alisin sa puwesto si Dumlao dahil kuntento siya sa trabaho ng opisyal.
Matatandaang noon pang Disyembre ng nakaraang taon nagsimulang mamuno si Dumlao bilang hepe ng PNP-AKG.
By Jelbert Perdez