Ipinag-utos ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbalasa sa mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) upang makuha ang 2 trillion collection target ngayong taon.
Ayon kay BIR Commissioner Kim Jacinto, bibigyan ng bagong puwesto ang mga revenue district officer, assistant RDO, division and section chiefs at mga tax examiner na nag over stay sa kanilang posisyon ng higit sa tatlong taon.
Ipinatupad ito balasahan sa BIR kasunod ng pag-exempt ng COMELEC sa ahensya sa pagbalasa ng mga government personnel sa panahon ng election period.
By Rianne Briones