Nagpatupad ng reshuffle sa ilang opisyal at tauhan ng Commission on Elections (COMELEC) kabilang ang regional directors.
Ang reshuffle, ayon sa memorandum ni COMELEC Chairman Andres Bautista ay kaugnay sa May 9 elections at epektibo mula January 9 hanggang June 8.
Kabilang sa mga inilipat si NCR Director Jubil Surmieda na naitalaga sa Bicol kapalit ni Romeo Fortes samantalang si Central Luzon Director Temie Lambino ang bagong NCR Director.
Si Fortes naman ay ipinadala sa CALABARZON para palitan si Juanito Icaro na inilipat sa Central Luzon.
Sinabi ni Bautista na kailangan ang reshuffle para maiwasan ang partiality o bias sa bahagi ng sinumang COMELEC official at kaugnay na rin sa pangunahing layunin nitong magkaroon ng credible election.
By Judith Larino