Nanawagan si Senador Ralph Recto na huwag nang ipagpaliban bagkus ay mabilis na ipatupad ang balasahan sa Bureau of Customs o BOC.
Kasunod ito ng kontrobersiyang bumabalot sa ahensya bunsod pagpasok ng kargamento na may lamang 6.4 bilyong pisong halaga ng iligal na droga.
Ayon kay Recto, dahil sa kontrobersiya ay apektado ang koleksyon ng pondo ng gobyerno kaya’t apektado rin dito ang mga serbisyo at proyektong para sa publiko.
Tinukoy din ang demoralisasyon sa maraming mga organikong empleyado ng ahensya.
Himanon ng senador ang Pangulo na mabilis na umakto sa isyu at magpatawag ng revenue command conference kung saan mag-re-report ang port collectors at officials ng kanilang performance.
By Rianne Briones