Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ricardo Marquez ang balasahan sa iba’t ibang rehiyon dahil sa mga magreretirong opisyal bago ang eleksyon.
Kabilang dito sina PNP CALABARZON Director Chief Supt. Richard Albano at Region 11 Director Chief Supt. Wendy Rosario.
Sinabi ni Marquez na mas paaagahin nila ang pagreretiro nina Albano at Rosario para makapag-adjust ang mga papalit sa kanila lalo pa’t panahon ng eleksyon.
Hindi naman aniya apektado ng COMELEC ban ang balasahan dahil sadyang mababakante ang mga nasabing puwesto kayat dapat lamang punan.
By Judith Larino | Jonathan Andal