Maituturing na “un-democratic” ang naganap na balasahan sa KAMARA, noong Miyerkules.
Ito ang inihayag ni Gabriela Partylist Rep. Emmi De Jesus, isa sa mga tinanggalan ng committee chairmanship sa KAMARA makaraang bumoto siya at ilan pang house leader kontra sa death penalty bill.
Sa panayam ng Balita Na Serbisyo Pa, sinabi ni De Jesus, dating Chairperson ng House Committee on Poverty Alleviation, malinaw na nais diktahan ng liderato ng KAMARA ang mga kapwa nila Kongresista sa anumang panukalang batas na isinusulong ng Administrasyong Duterte.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay Rep. Emmi De Jesus sa BNSP
Nilinaw naman ng Kongresista na kahit umanib ang majority bloc sa supermajority, hindi ito nangangahulugan na magiging sunud-sunuran sila sa administrasyon o susuportahan ang anumang isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay Rep. Emmi De Jesus sa BNSP
By: Drew Nacino