Mayroon pang ikalawang bugso ng balasahan sa Kamara sa buwan ng Mayo.
Ibinunyag ito ni House Speaker Pantaleon Alvarez bagamat tumangging magbigay ng mga detalye sa naturang usapin.
Sinabi ni Alvarez na paunang balasahan pa lamang ang nangyari kagabi at hinihintay pa ng house leadership ang mga nominees na isusumite ng mga partido kapalit ng mga naunang sinibak.
Magugunitang inalisan ng puwesto sa Kamara at Committee Chairmanships ang mga kongresistang bumoto laban sa death penalty bill.
By Judith Larino