Binalasa ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na sinasabing sangkot sa “pastillas” scheme.
Ayon kay Guevarra, ginawa niya ang hakbang matapos maisampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman ang mga kasong kriminal laban sa mga ito.
Matatandaang inirekomenda ng NBI ang paghahain ng kaso laban sa 19 na opisyal at kawani ng BI bunsod ng katiwaliang kinasasangkutan ng mga ito habang nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport.
Kinilala ang mga respondent na sina Grifton Medina, Deon Carlo Albao, Fidel Mendoza, Abdulhafez dela Tonga Handjibasher, Gabriel Ernest Estacio, Ralph Garcia, Phol Villanueva, Abdul Calaca, Danilo Deudor, Mark Macababad, Aurelio Lucero III, George Bituin, Salahudin Hadjinoor, Chevy Naniong, Hamza Pacasum, Manuel Sarmiento III, Cherry Pie Ricolcol, German Robin, at Jeffrey Dale Salamde Ignacio.
Maging ang isang Liya Wu na may-ari ng Empire International Travel and Tours ay inirekomenda ring kasuhan dahil sa umano’y panunuhol sa mga opisyal.
Matatandaang hinuli si NBI Legal Assistance Section chief at Joshua Paul Capiral at ang kanyang kapatid na is BI Medical Section officer Christopher John Capiral dahil sa umano’y pangingikil ng P200,000 kay Ignacio upang maayos ang kanyang kaso.