Masusundan pa ang isinagawang balasahan sa hanay ng PNP o Philippine National Police.
Ito ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos ay dahil kailangang mapunan ang mababakanteng posisyon na iiwan ng mga magreretirong opisyal.
Inaasahang aabot sa 40 opisyal ang magsisipag retiro ngayong taon maliban pa ito sa mga nauna nang nagretiro.
Paglilinaw naman ni Carlos, regular at normal lamang ang ginagawang pagbalasa sa kanilang hanay at hindi ito nangangahulugan na may kasalanan ang mga opisyal na inilipat ng pwesto.