Inaasahang magpapatupad ng balasahan ang National Bureau of Investigation o NBI simula sa susunod na linggo.
Ayon kay NBI Dir. Virgilio Mendez, ito’y bilang paghahanda para sa nalalapit na halalang pampanguluhan sa darating na buwan ng Mayo.
Maliban dito, layon din ng gagawing balasahan na ilagay sa tamang lugar ang kanilang mga ahente kung saan sila mas mapakikinabangan.
By Jaymark Dagala