Inihirit ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam kay Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng revamp sa PCSO.
Ito, ayon kay Cam, ay bago pa tuluyang lumubog at malugi ang pcso.lalo’t umaabot na sa P10 billion ang shortfall sa small town lottery (STL) na hindi makolekta partikular sa Pangasinan at Cagayan.
Una nang nag-walk out si Cam sa special board meeting ng PCSO matapos na rin ipilit ng board na baliktarin ang naunang legal opinion na ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) kaugnay sa kaso ng STL franchise holder sa pangasinan na speedgame incorporated.
Sa nasabing legal opinion ay pina-rerevoke ang PCSO Board Resolution 0083 na kumikilala sa bagong set ng officers ng speedgame sa argumentong ang isyung ito ay hindi dapat pakialaman ng PCSO dahil nasa hurisdiksyon ng regional trial court.
Sa halip na kilalanin ang naging opinyon ng OGCC ay pilit umanong binabago ng board ang naging desisyon na siyang dahilan kung bakit nag-walk out si Cam.
Hiniling din ni Cam sa pangulo na i-relieve na siya sa kanyang pwesto dahil hindi na niya masikmura ang umano’y korapsyon sa ahensya.