Asahan na ang pagkakaroon ng balasahan sa Presidential Communications Operations Office o PCOO
Ito ang kinumpirma ni incoming PCOO Secretary Martin Andanar matapos ang kaniyang inspeksyon sa bago niyang opisina kahapon
Kasunod nito, sinabi ni Andanar na pabor siyang i-retain o panatilihin sa trabaho ang mga kawani ng PCOO kung maganda naman ang ipinakita nilang performance sa trabaho
Una nang inihayag ni Andanar na kaniyang ipagpapatuloy ang mga magagandang nasimulan ni outgoing PCOO Sec. Sonny Coloma sa tinaguriang media ng bayan
By: Jaymark Dagala