Pinag-aaralan ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge (OIC) Lt. General Archie Gamboa ang muling magpatupad ng balasahan sa matataas na opisyal ng pulisya sa katapusan ng buwan.
Ayon kay Gamboa, pangunahing maapektuhan ng reshuffle ang mga regional directors at mga hepe ng national support units ng PNP.
Sinabi ni Gamboa, gagamiting batayan sa pananatili sa puwesto ang performance rating ng mga kasalukuyang police officials.
Nakatakda aniyang magsawa muli ng katulad na performance review sa ika-20 ng Enero kung saan bibigyan ng isang linggo ang mga opisyal para iapela ang kanilang rating bago ito maging pinal.
Iginiit ni Gamboa, bahagi ng kanyang kapangyarihan bilang OIC ang magpatupad ng balasahan at magtalaga ng mga bagong opisyal nang may approval ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año at Pangulong Rodrigo Duterte. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)