Binuksan na muli sa mga turista ang Baler sa lalawigan ng Aurora matapos ang mahigit isang taong lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.
Makapapasok na ang mga guest kung mayroon silang online s-pass registration, negatibong swab test na kinuha sa loob ng tatlong araw at confirmed pre-booking sa hotel o resort.
Ayon sa Department of Tourism, dapat ding magdala ng valid ID ang mga bibisita sa Baler.
Inaasahang darami pa ang mga turista sa baler makaraang luwagan sa alert level 2 ang quarantine restrictions sa lalawigan ng Aurora, simula bukas, November 15.
Bukod sa nag-gagandahang beach, dinarayo ang Baler lalo ng mga mahilig mag-surfing. —mula sa panulat ni Drew Nacino