Bukas na muli ang Bali International Airport sa Indonesia makaraang mag-shutdown ito bunsod ng pag-aalburuto ng Mt. Raung sa Java.
Hindi magkamayaw ang mga airline companies sa paglilinis ng kanilang backlog sa mga nakanselang flights dulot ng shutdown.
Magugunitang 900 eroplano ang hindi nakalipad dahil sa nagkalat na volcanic ash mula sa sumabog na bulkan.
Inaasahang aabutin ng tatlong araw ang pag-aayos bago tuluyang magbalik sa normal ang operasyon ng naturang paliparan.
By Jaymark Dagala