Sinabihan ni Atty. Levito Baligod ang Commission on Audit (COA) na huwag maging balat-sibuyas.
Ayon kay Baligod, sa halip na dipensahan ang mga kasamahan, makakabuti kung imbestigahan nalang nito ang kanilang mga kawani upang malinis ang pangalan ng komisyon.
Iginiit din ni Baligod na hindi dapat natatapos sa pagkumpirma na peke ang pirma ang ginagawa ng mga mambabatas dahil malaking pera ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa mga ito.
“Dapat po hindi maging onion skin ang COA especially si Commissioner Mendoza, on the contrary she should be alarmed and with more reason magpa-imbestiga po sila, mas dapat na magalit ang mga mambabatas na ito at tumawag sila ng imbestigasyon dahil sa pamamagitan ng pamemeke po sa kanilang pirma ay bilyun-bilyon po ang lumabas sa National Treasury.” Ani Baligod.
Falsification of documents
Samantala, ipinaliwanag ni Atty. Levito Baligod na malversation of public funds through falsification of documents, ang kasong kanyang isinampa kaugnay sa pork barrel scam.
Sinabi ni Baligod na ito ay dahil mas madaling patunayan ang falsification of documents, at halos kasing bigat din ito ng kasong plunder.
Nilinaw din ni Baligod na walang kaugnayan sa pork barrel scam na kinasangkutan ni Janet Lim-Napoles, ang panibagong kaso.
“Mas madaling-i-prove ito, ‘yung malversation through falsification of public documents, hindi po natin kailangang ipakita na ‘yung kahit isang piso naibulsa ng opisyal ang importante po ‘yung pondo ay public fund, na-misuse ito, para maumpisahan ng pamahalaan na maimbestigahan din ang non-Napoles, 82 po ang NGO’s na ginamit ng mga mambabatas, 8 lang po ang kay Ginang Napoles, dapat imbestigahan po ‘yun dahil mas malaki po ang pondong nakuha ng other NGO’s na ito.” Pahayag ni Baligod.
By Katrina Valle | Sapol Ni Jarius Bondoc