Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang muling pag-biyahe ng mga school transport services sa pagbabalik ng face-to-face classes.
Ayon sa LTFRB, papayagan nang magbalik sa lansangan ang mga school transport service na may aktibong certificate of public convenience o provisional authority pati na rin ang may mga pending application for extension of validity kahit pa paso na ang CPC.
Mababatid na magbubukas sa Agosto 22 ang School Year 2022-2023, bagama’t ang pagbabalik sa face-to-face setup.